Pasuysoy, Pasuhay, Patimbang
Ang pasuhay ay isang uri ng balangkas ng tula kung saan ang unang linya ay nagpapahayag panukalang layunin o paksa, at ang sumusunod na taludtod ay magsisilbi lamang na suporta sa pangunahing paksa na ito.
Ang patimbang ay isang uri ng balangkas ng tula kung saan nahahati ang saknong sa dalawang timbang na pangkat ng taludtod na maaaring magkaayon o magkasalungat. Madalas, ang dalawang pangkat na ito ay may pagkakahawig sa paglalatag ng diwa.
Ang pasuysoy balangkas ng tula kung saan ang mga nauunang taludtod ay tumutulong lamang upang isulong ang pahayag patungo sa huling linya. Sa balangkas na ito, sa panghuling taludtod lamang magiging lubos na malinaw ang diwa ng tula.
. . .
Sa balangkas na pasuysoy, ang mga nauunang taludtod ay gumaganap na panimulang hakbang lamang tungo sa pabubuod sa panghuling taludtod. Sa apatang taludtod, samakatwid, ang unang tatlong linya ay…
…
Ang balangkas na pasuhay sa apatang taludtod ay hindi naiiba sa gayon ding balangkas sa dalawahan at tatluhang taludtod. Sa unang bahagi ng saknong ay ipinapasok na ang paksa at panukalang layunin ng tula at ang kasunod at…
