Napagawi Ako Sa Mababang Paaralan

NAPAGAWI AKO SA MABABANG PAARALAN
ni Lamberto E. Antonio

Napagawi ako sa mababang paaralan
Na dating karnabal ng kambing, baboy at kalabaw,
At dating kubeta ng ilang kababaryo
Pag bakasyon grande o Sabado’t Linggo.
Di na ito ang ilang tiwangwang na kuwartong may tapal
Na sawali’t atip na kugong butas-butas, na ang klaseng
Nagdidiskas ng Pepe en Pilar at gudmaners
Ay tanaw na tanaw ng mga sabungerong naglalakad.
Ngayon, may arko nang bakal at alambre ang geyt;
May bakod na pader, magarang plagpol, entablado’t
Basketbolkort na kainauukitan ng nagdudumilat na
“Donated by Gov. Mokong delos Oros” at ng
“Alay nina Don at Doña Pilipito Palapatok.”
Sa sementadong saydwok, sa pasimano’t haligi ng munting pasilyo
At ibabang panig ng kongkretong dingding, kundi nakapila
Ay nagsisiksikan ang mga pangalang karamiha’y
Patrong taga-ibang bayan: ilan dito’y mga nakaklaseng
Kabisote, mapangopya, tugain, nakalasprend o naiihi
Sa salawal sa pagkuha ng test –
Kundi may DR. o ENGR., may ATTY
Bawat pinto, may karatula ng ngalan ng guro –
Narito pa rin si Mrs. Monay na mahilig manghinuli,
Si Mr. Pangan na laging ngumangata ng babolgam.
Sa likod ng gusali, ang marikotitos na letering
Ng pagdiskarte sa babae’y nabasa ko sa haligi ng wari’y
Narseri; sa mga puno ng papayang bunga’y tambulukan;
Sa tambak na retasong mga tabling may bakas ng anay.
Komo nabakante ako sa pandadayuhan bilang karpintero,
Naawitan akong gumawi sa mababang paaralang
Nagpautang sa akin noon ng musmos na karanasan;
Kasama ang aking martilyo, lagari’t radela’y nagpaunlak ako:
Wika nga’y ito lang ang kaya kong paraan ng paglingon
Sa pinanggalingan (na di ko napuspos nang mahinto ako’t
Maulila sa mga magulang). Gumawi ako
Rito para atipan at palitadahan ang mga komportrum,
Dahil nakabingit na naman ang pasukan –at para maiyukit ko,
Kahit papa’no, ang aking pangalan.

TULA: Ang Tren

Tagalog poem written by Jose Corazon de Jesus

Continue reading “TULA: Ang Tren”

The Legend of Mount Kanlaon

There once lived on the island of Negros a princess named Anina who lived a very sheltered life. Continue reading “The Legend of Mount Kanlaon”

Florante at Laura (Buod)

Buod ng Florante at Laura

Ang kuwento ng Florante at Laura ay nagsisimula sa isang madilim na gubat sa may dakong labas ng bayang Albanya, malapit sa ilog Kositong na ang tubig ay makamandag. Dito naghihimutok ang nakataling Florante na inusig ng masamang kapalaran. Ang mga gunita niya ay naglalaro sa palagay niya ay nagtaksil na giliw na si Laura, sa kanyang nasawing ama, at kahabag-habag na kalagayan ng bayan niyang mahal.

Sa gubat ay nagkataong may naglalakad na isang Moro na nagngangalang Aladin. Narinig niya ang tinig ni Florante at dali-dali niya itong tinunton. Dalawang leon ang handang sumakmal sa lalaking nakatali. Pinatay ni Aladin ang dalawang mababangis na hayop at kanyang kinalagan at inalagaan si Florante hanggang sa muling lumakas. Continue reading “Florante at Laura (Buod)”

Guro, Nasa Langit Ang Iyong Paraiso

Isang tula para sa mga guro / titser

Tulang isinulat ni B. del Valle para sa mga teacher

Continue reading “Guro, Nasa Langit Ang Iyong Paraiso”

TULA: Ang Magandang Parol

This Tagalog poem by Filipino poet José Corazón de Jesús is about a beautiful parol made by a grandfather. Parol is the traditional lantern that’s ubiquitous during the Christmas season in the Philippines.

Parol (Filipino Christmas Lantern)
Parol (Filipino Christmas Lantern)

Continue reading “TULA: Ang Magandang Parol”

Agaw-Dilim (Twilight)

The Tagalog poem Agaw Dilim was written by Filipino poet José Corazón de Jesús, who was known as Huseng Batute. The term agaw-dilim literally means “snatching darkness” or “grasping darkness” — it refers to twilight.

Continue reading “Agaw-Dilim (Twilight)”

TULA: Kahit Saan

This Tagalog poem was written by the prolific Filipino lyric poet José Corazón de Jesús. It can be translated into English as “No Matter Where.”

Continue reading “TULA: Kahit Saan”