AKROSTIK

Ang akrostik ay isang tula o iba pang uri ng kasulatan kung saan ang unang titik ng bawat linya ay bumubuo ng espesyal na salita o mensahe.

Mayroong mas kumplikadong uri ng akrostik kung saan ang unang titik ng mensahe ay hindi sa unahan ng bawat linya, kundi sa gitna. Meron ding ibang acrostic kung saan ang unang titik ng mensahe ay hindi sa unahan ng bawat linya kundi sa unahan ng parapo o talata.

Halimbawa ng Akrostik

Magandang araw,
Ang sabi niya.
Hello, ang sabi ko.
Ano ang sinabi mo?
Lalo kang gumaganda.

Heto ang mga unang titik ng bawat linya: M-A-H-A-L


Ang ganda ng araw na iyon. May halimuyak ng bulaklak. Hindi masyadong mainit. Nasa ilalim kami ng puno sa may ilog.

Kausap ko si Ana, at masaya siya. Masaya ako. Pinag-uusapan namin ang mga nangyari sa eskwela.

Iba ang pakiramdam nang dumating si Pedro. Biglang lumamig ang tingin sa akin ni Ana. Bakit kaya ganoon?

Nasa gitna ako ng isang pangungusap nang may nahulog na sanga sa pagitan namin ni Ana. Pinulot agad ito ni Pedro at ihinihagis sa ilog.

Ang mga unang titik ng parapo o talataan dito ay: A-K-I-N


Sa 

Aming

Nayon

May

Isang

Gwapo

Uminom

Eh!

Lasing!


MGA KAHULUGAN SA TAGALOG

akróstik: paraan sa pagtula na nakabubuo ng isa o higit pang salita kapag pinagsáma-sáma ang titik sa unahán o hulihán ng bawat taludtod, karaniwang mula itaas pababâ

akrostiks

❌ akrostic, acrostik

8 thoughts on “AKROSTIK”

  1. Ano pOH Ang anwers na ito…..
    Ito pOH Ang question… Gumawa ng Isang akrostik patungkol sa Pang -uri.

    1. Ano pOH Yung answers nito….
      Panuto. Gumawa ng Isang akrostik patungkol sa Pang -uri.
      P
      A
      N
      G

      U
      R
      I
      Please paki bigay ng answer

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *