KAHULUGAN SA TAGALOG
ipinanganyaya: ipinahamak; pinabayaan
Ipinanganyaya niya ang kanyang matalik na kaibigan.
Ngayong wala nang maituturing na kapanatagan sa ating pamayanan, ngayong lagi nang ginagambala ang ating katahimikan ng umalingawngaw na daing at pananambitan, buntunghininga at hinagpis ng makapal na ulila, balo’t mga magulang ng mga kababayang ipinanganyaya ng mga manlulupig na Kastila, ngayong tayo’y nalulunod na sa nagbabahang luha ng ina dahil sa nakitil na buhay ng anak, sa pananangis ng sanggol na pinangulila ng kalupitan na ang bawat patak ay katulad ng isang kumukulong tingga, na sumasalang sa mahapding sugat sa ating pusong magdaramdam.


