root word: salag
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
salagin: sanggahin
salagin: ihalang ang kalasag bilang pagsangga
nasalag: nasangga
Nasalag ang dagok na kamatayan ko,
lumipad ang tangang kalis ni Adolfo,
siyang pagpagitns ng aming maestro
at nawalang diwang kasama’t katoto.
“Tumatag ka, Lam-ang. Pag hindi mo ito nasalag ay masasawi ka.”
Maagap niyang nasalag ang mga kamay ko.
Kung volleyball sana’t di bala ang itinira, siguro’y nasalag mo o nakailag ka pa.
Ngayo’y nagtangka si Luna na pumasok aa Maynila at ang pagtatangkang ito’y nagtagumpay sa simula sapagkat nakarating siya hanggang sa Daang Azcarraga (ngayo’y Claro M. Recto), ngunit nasalag ang kanyang pananalakay at si Luna ay muling tumikim ng pagkatalo.
Inundayan niya ako ng saksak na nasalag ng bisig kong ito. Kapitbahay ang naghatid sa akin sa ospital.
