Pangarap (Tula)

Ni: Rudylyn P. Nano

“Pangarap”

Malabong landas ang aking tinatahak
Panandaliang lumiwanag dahil sa tuwa at galak.
Kasiyahang gustong mamumukadkad
Dahil sa pangakong pilit inilakad

Marami mang luha ang umaagos
Determinasyon at sakripisyo ay hindi matatapos
Sa bawat pagsikat ng araw,
Panibagong pagsubok sumilaw.

Pag-asa’y hindi pinakawalan
Para ang hinahangad ay makamtan,
Mithiin na ating maipagmalaki
Ambisyon na hindi dapat iwaksi.

Pagpupursigi ang siyang pangunahing sandata
Dala ng puso’t diwa, ang siyang panata
Kapit-bisig, pusong matapang
Sa bawat pagsubok pangarap ang panlaban.

Ako po si Rudylyn P. Nano, 21 na taong gulang galing sa Capitol University na may kursong Bachelor of Secondary Education at nasa ikatlong taon na. Narito po ang aking tula na nagawa tungkol sa “Pangarap” na kung saan kahit napakahirap man ng buhay na ating pinagdadaanan at na lagay tayo sa malabong landas dahil sa mga hamon o problema na kinakaharap. Pero hindi tayo nagpatinag at patuloy na lumalaban at matapang na hinarap ang mga pagsubok sa buhay. Dahil sa pananalig sa sarili at sa ating panginoon ay talagang makakamit ang tagumpay na matagal na hinahangad. At may kasabihan tayo na “libre ang mangarap at walang bayad” basta ito’y sabayan ng determinasyon at sakripisyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *