ANYUBOG

This is a coined word combining the two related Tagalog words anyo and hubog.

anyubog
form

alinsunod sa mahigpit na anyubog ng haiku

Ang mga anino, anyubog at mga hugis-larawang pumupuno sa paligid ay likha ng mabait at kaibigang kalikasan, di ng mga demonyong taong kahit sa anumang sandali’y maaaring sumulpot na lang, kahit sa nagsusungit na panahong gaya nito.

Sa nagwawating-wating na tingin ko’y naanyuan ko sa malayo ang anyubog ng isang mahabang balsang kawayan na wari’y sadyang nagpapaanod sa tubig. Palapit nang palapit. Palapit nang palapit ang balsang kawayan! Naalala ko ang kauna-unahang balsang kawayan sa buhay namin ni Elmer. Nanlabo ang aking mga mata, ngunit nakilala ko si Elmer. Bigla ang bugso ng tuwa sa aking dibdib. Kung gayo’y nakikihanap pala siya sa akin. May malasakit pa siya sa akin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *