root word: taluntón
tinalunton
followed, trace
Tinalunton nila ang pag-unlad ng nobela sa bawat panahon.
They traced the development of the novel in each period.
KAHULUGAN SA TAGALOG
taluntón: mahigpit na pagsunod sa linya, daan, bakás, tuntunin, at iba pa
Tinalunton niya ang landas patungong Reyno de los Cristales.
Tinalunton niya ang malamig na buhanginan at hindi pansin ang mga kabibing marurupok na nangadudurog sa kanyang talampakan. Ang nasa isip niya nang mga sandaling iyon ay ang asawa.
Tinalunton niya ang lambak, hindi iyong papunta sa bakuran nila, kundi iyong patungo sa sabangan sa sapa.
Nang makarating sa salapong, tinalunton niya ang kalyeng pakanluran. May sumutsot uli sa kanya. Isang matandang lalaki. Inabutan niya ito ng kanyang tinda. Kumalam ang tiyan ni Ito nang makarating sa harap ng isang pansiterya.
Tinalunton niya ang daang patungong kabayanan at tuwing may tao siyang makikita, kahit na ubod ng layo, tumitigil siya sandali at sumisigaw: “Maniwala kayo! Maniwala kayo sa akin! Nakita ko kanina si Mariang Makiling!”
Humiwalay siya sa pangkat ng mga biyahero at tinalunton niya ang daang patungo sa kanilang pook sa labas ng kabayanan. Pahilig na ang araw; gayunma’y inaasahan niyang hindi siya aabutin ng dilim.
Tinalunton niya ang mga mahahaba at kawing-kawing na pilapil na humahantong sa pambansang lansangan.
Humiwalay siya sa pangkat ng mga biyahero at tinalunton niya ang daang patungo sa kanilang pook sa labas ng kabayanan. Pahilig na ang araw; gayunma’y inaasahan niyang hindi siya aabutin ng dilim.
Tulad nang kinagawian, tinalunton niya ang daan sa gilid ng isang matarik na talampas.