NIYA

paari, isahan at panghuli

niya
his, her, its

ang lapis niya
his/her pencil

ang nanay niya
his/her mother

ang paborito niya
his/her favorite

Ano ang problema niya?
What is his/her problem?


As a transitive agent, niya can be translated as she, he or it.

Kamukha niya ako.
He/She looks like me.

Bakit niya ginawa ito?
Why did she/he do this?

Binasa niya ang libro.
She/he read the book.

Kinain niya ang tinapay.
She/he ate the bread.

Hindi niya ako mahal.
She/he does not love me.

Hindi nila ako mahal.
They don’t love me.


The more common pronoun form of ‘he, she, it’ is siya.

Siya ay malakas.
He/She is strong.

Malakas siya.
He/She is strong.

Ang lakas niya!
He/She is so strong!


In online chat, the word is shortened to nya.

Other iterations of this word: nia, niang, nyang


KAHULUGAN SA TAGALOG

niyá: panghalip panaong isahan, ikatlong panauhan, nása kaukulang paari, at kumakatawan sa ngalan ng pinag-uusapan na siyang nagmamay-ari o kinauukulan ng bagay, gawain, o pangyayaring binabanggit

halimbawa: bahay niya, bibilhin niya

KAHULUGAN SA TAGALOG

niyá: punông-punô; narating ang kailangang taas o laki

One thought on “NIYA”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *