root word: ngatál / katál
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
katál:panginginig ng katawan o tinig kapag nagagálit, natatákot, o nagiginaw
katál:katóg
kumatál, mangatál
Nang buksan ni Sisa ang pinto’y pahapay-hapay na pumasok si Basilio na agad napahandusay sa bisig ng ina. Pinanlamigan at pinangatalan ng katawan si Sisa pagkakita sa anak, napatda siya at waring napipi ang dila kaya di agad nakapagsalita. Kataka-takang hindi makaiyak ang ina nang mga sandaling iyon. Bagaman mataos ang hangaring yakapin ang panganay niya’y nanatili siyang walang tinag. Isang paos na tinig ang kumawala kay Sisa pagkaraang makita na may dugo…
At ang kahabagbabag na ama, sakbibi ng paghihinagpis at alipin ng paghihirap ng loob, ay nangiti ng pilit at pinangatalan ng mga labi.
Si Rosalio’y pinangatalan ng buong katawan, anaki ay biglang pinasukan ng matinding lagnat ang katawan, at nagdilim ang kaniyang paningin.
Minarapat kong agad-agad na lumabas. Nakabibingi. Nadaanan ko ang Santo Entiero. Napinid ang litanya ng siphayo. Kamatayang de-estante ang tumambad sa aking harapan. Pangitain ng kawalang pag-asa. Ngayon lang ito nangyari sa makailang pagdalaw ko sa nilulumot na simbahang ito. Ngayon lang ako pinangatalan at pinagbutilan ng pawis. Mataas pa ang sikat ng araw ngayo’t ako’ y pinanlalamigan. Balot ng pagluluksa ang nakahimlay na Kristo. Bakat pa sa mukha ang…
Sa narinig ay pinangatalan siya ng laman.
