Mga Salitang Hiram Mula sa Kastila Na Ginagamit ng Mga Filipino:
mesa, sinturon, sapatos, relo (reloj)
Halimbawa ng salitang hiram sa Espanyol na may iregular na ispeling:
bintana (ventana)
Mga Halimbawa ng Hispanismo sa Filipino
produkto produktibo produksiyon
progresibo prolitaryo promosyon
propesor propesora
propesyon propesyonal propesyonalismo
propeta propitaryo proposisyon
propyedad prospektibo
proseso prostitusyon
protektado proteksiyon
Ang Bisa ng Panghihiram sa Wika
May hatid na bisa ang panghihiram ng mga salita sa ibang wika — may kabutihan at kahinaan.
Ang kabutihang dulot nito’y ang pagpapayaman at paglalawak sa bokabularyo ng wika. Ngunit ito’y nagdudulot ng ‘pagsira’ sa konsistensi ng palabaybayan ng wika.