Halimbawa Ng Pagmamalabis

Mga Halimbawa Ng Pagmamalabis

Namuti ang buhok ko sa kahihintay.
My hair turned white from waiting.

Namuti ba talaga ang buhok? Siyempre hindi. Isa lamang itong paraan ng pananalita, at ito nga ay halimbawa ng pagmamalabis.


Narinig ng buong mundo ang iyong pag-iyak.
The whole world heard your crying.

Paliwanag: Talaga bang narinig ng bawat tao sa mundo ang pag-iiyak niya? Siyempre hindi. Ang ganitong patalinghagang pagpapahayag ay nagbibigay-diin sa ating gustong ipaalam.


Sa halip na simpleng “Talagang mahal na mahal kita.” maaari mong sabihin “Abot langit ang pagmamahal ko sa iyo.”

Paliwanag: Kahit ang iyong pag-ibig ay walang pakpak at hindi makasasakay sa eroplano para umabot sa langit (literal na kahulugan), maiintindihan ng nakikinig ang iyong ibig sabihin.

Halimbawa ng Dalit

Ang dalít ay popular at katutubòng tula na may apat na taludtod bawat saknong at may súkat na wawaluhin. Ito ay anyo ng awiting-bayan.

Noong panahon ng Español, ang dalít ay awit pansimbahan at sa pagluluksa.

HALIMBAWA NG DALIT

Ang sugat ay kung tinanggap,
Di daramdamin ang antak,
Ang aayaw, at di mayag
Galos lamang magnanaknak.

Galíng nang magandang ginto,
Walang tumbagang kahalo,
Makaitlo mang ibubo
Di gumitang nang pagpalò. Continue reading “Halimbawa ng Dalit”

Mga Tambalang Salita

Ano ang Tambalang Salita?

What is a Compound Word?

Salita na binubuo ng dalawang payak na salita  na bumubuo ng panibagong salita.
Word consisting of two simple words that form a new word.

Dalawang Uri ng Tambalang Salita

1. Tambalang salita na nananatili ang kahulugan

abot-kamay, anak-dalita, tikop-tuhod, tawid-dagat, tubig-alat

2. Tambalang salita na ang kahulugan ay iba sa kahulugan ng dalawang salita na pinagtatambal

abot-agaw, bahag-buntot, bahay-bata, balatkayo, hanapbuhay, pantay-paa, rosas-hapon

Mga Halimbawa ng Tambalang Salita

Continue reading “Mga Tambalang Salita”