This is a funny Taglish song.
Alin nga bang sasakyan pa
Ang tunay na maginhawa
Kundi itong dating atin
Na kung tawagin ay kalesa
Subukin mang sakyan ito
Kapag hindi ka nag–enjoy
kahit pabalik-balik lang
Sa Quiapo at sa Chinatown
Kadalasan pang mangyari
Ay kay buti ng kutsero
At tunay kang mawiwili
Kung masarap makipagkuwento
Sa haba ng kuwentuhan n’yo
Ay hindi ka malulungkot
Kahit mahina ang takbo
Ay hindi nakayayamot
Kung sasakay ang mag-darling
Kalesa ang pipiliin
Kung may ulan at may hangin
Ay may trapál na pantabing
Pagkat ito ay kay dilim
Hindi sila magpapansin
Ang kalesang sadyang atin
Ay bagay sa magsing-giliw
O kay inam sakyan ang kalesa
Kahit patungo sa Luneta
Kahit ka na nag-iisa
Tunay ring masisiyahan ka
At kung pagmamasdan ang kalesa
May kahapong maaalala
Ang panahon ng ating naglahong
Maria Clara
The tempo of the song “Kalesa” is allegro, meaning fast and joyfully.