INAY ni Deus Quitco
Sila ang nagdala, sila’y nahirapan,
Mga gawaing bahay, kanilang sinasabay.
Kahit na nangangalay, kahit na nasasaktan,
Ika’y iingatan, magpakailanman.
Sa eskwekahan, ika’y ihahatid,
Aayusin ang kwelyo, iiwanan ng halik.
Gagawan ng munting baon, upang hindi magutom,
Susunduin sa hapon, bubuhatin pauwi.
Siya’y nagalit, dahil nakipagtalo,
Pinatawag ng guro, natinik ang kanyang puso.
Humingi ng tawad, nanginginig ang tuhod.
Pinalo sa puwit, upang matuto.
Sinipon, inubo, nilagnat ng todo,
Siya’y natakot, sumasakit ang puso.
Dinala sa pagamutan, luha ay tumutulo,
Di mapakali, nagdasal ng lubos.
Ganon nila tayo kamahal,
Minsa’y magkakatampuhan, minsa’y naghaharutan.
Gagawin ang lahat, para may maibigay,
Yan si Inay, si Inay na mapagmahal.