Ipadama ang Puso ng Pasko

GMA Christmas Station ID 2018

Ipadama ang Puso ng Pasko

Lahat tayo’y may kakayahang
Magdulot ng kaligayahan
Kahit na may pinagdaraanan
Magpangiti sa anumang paraan

Wala nang mas gaganda pa
At tunay na magpapasaya
Kung buong puso ipadarama
Na sila ay mahalaga

Mula sa amin, handog sa inyo
Para sa lahat ng Pilipino

Yakapin ang bawat isa
Pagmamahal ay ibigay na
Sabay-sabay sa buong mundo
Ipadama ang Puso ng Pasko
Sasaya magpakailanman
Kung magmamahalan
Sabay-sabay sa buong mundo
Ipadama ang Puso ng Pasko

Ooh Ang pagmamahal ay ‘di mauubos
Kaya’t ibuhos lang natin nang ibuhos
Mula sa ating puso’y aagos
Pagmamahal na taos at lubos

Mula sa amin, handog sa inyo
Para sa lahat ng Pilipino

Yakapin ang bawat isa
Pagmamahal ay ibigay na
Sabay-sabay sa buong mundo
Ipadama ang Puso ng Pasko
Sasaya magpakailanman
Kung magmamahalan
Sabay-sabay sa buong mundo
Ipadama ang Puso ng Pasko

Umaapaw ang pag-ibig tuwin kapaskuhan
Tumatagos sa puso ninuman, kahit nasaan pa man

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *