Sino ang Tunay na Baliw?

The singer heard here is Kuh Ledesma.

LYRICS

Ang natutuwang baliw
yaman ay pinagyabang
Dahil ari niya raw
ang araw pati ang buwan

May isang sa yaman ay
salapi ang hinihigan
Ngunit ang gintong baul
panay kasalanan ang laman

Sinasambit ng baliw
awit na walang laman
Ulo mo’y maiiling
tatawagin mong hangal

May isang hindi baliw
iba ang awit na alam
Buong araw kung magdasal
sinungaling rin naman

Sinong dakila?
Sino ang tunay na baliw?
Sinong mapalad?
Sinong tumatawag ng habag?

Yaon bang sinilang
na ang pag-iisip ay ‘di lubos?
O husto ang isip,
ngunit sa pag-ibig ay kapos?

Ang kanyang tanging suot
ay sira-sirang damit
Na nakikiramay sa isip
niyang punit-punit

May binatang ang gayak
panay diyamante at hiyas
Ngunit oras maghubad
kulay ahas ang balat

Sinong dakila?
Sino ang tunay na baliw?
Sinong mapalad?
Sinong tumatawag ng habag?

Yaon bang sinilang
na ang pag-iisip ay ‘di lubos?
O husto ang isip,
ngunit sa pag-ibig ay kapos?

Ooh…..Ahh…….

Sa kanyang kilos at galaw
tayo ay naaaliw
Sa ating mga mata
isa lamang siyang baliw

Ngunit kung tayo
ay hahatulang sabay
Sa mata ng Maykapal,
siya’y higit na banal

Sinong dakila?
Sino ang tunay na baliw?
Sinong mapalad?
Sinong tumatawag ng habag?

Yaon bang sinilang
na ang pag-iisip ay ‘di lubos?
O husto ang isip…

Kaya’t sino, sino, sino… Sino?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *