Ang Sugu
(Sa kamatayan ng kapatid.)
SA TUI-TUING MAMAMATAI ang isang mabait na bata, ay nananaog sa lupa ang isang sugu ng Dios, kinakalong ang batang patai, ibinubuka ang mga pakpak, at kumitikitil ng isang bigkis na bulaklak na ipapanhik sa Dios, upan ding sila’i (loon muling manariua ng maganda pa sa lupa. Ang lahat nang bulaklak ai ikinakapit ng sintang Dios sa kaniang dibdib, nguni at hinahalikan nia ang kaniang pinakamarnahal sa lahat ng bulaklak, at nagkakaroon nga ng voces, at nakasasamang umauit sa malaking kalualhatian!
Aba’t ang lahat na ito’i sinasalita ng isang súgu ng Dios samantalang ilinilipad sa langit ang isang patai na bata, at napapakingan ng bata na tila sa panaginip; lumilipad silá sa ibabau ng mga bayanan sa sariling lupa na pinaglaroan niaong maliit, at nagdaan sa maririkit na halamanang punu ng mga bulaklak.
“Alin kaya baga ang ating kukunin at itatanim sa Langit?” ang tanong ng súgu.
Doo’i mai nakatayong isang mahaguai at marikit na púnu ng rosas, nguni at binali ng isang malupit na kamai, kaya nga at nangagiailai na tuyu ang lahat ng sangang punu ng malalaki at ga bukas ng buku. “Ang abang púnu ng rosas!” ang uika ng bata: “Kunin mo sia ng uling manariua doon sa itaas sa Dios!”
Kinuha nga yaong ng anhel hinal’kan ang bata dahil dito, at ga inimúlat ng maliit ang kaniang mga mata. Kumitil sila ng maririkit na bulalkak, pumitas silá pati ng alipustang pandakaki at ng kamantiging ligau.
Ngaion mairoon na tayong bulaklak!” ang uika ng bata, at ang sugu ai tumango, nguni at hindi pa umakyat sa itaas sa Dios. Gabing tahimik gabing malalim niaon; sila’i tumigil sa malaking bayan at nagpalipadlipad sa ibabao ng isang makiput na daang kinalalagian ng mga buntung dayami at avo: tila mandin mai lumipat ng bahai. Doon nga nangagkalat ang mga bibinga, lupang-puti, basahan at matatandang sambalilo, lahat ng buluk at hindi marikit.
Tumuru ang angel dito sa halo-halong buntong sa isang durug na macetas, at sa isang bugal na lupa na doo’i sumabog at nangangapit sa mga tuyung ugat ng isang halamang ualang halaga at dahil dito ai itinapon sa daan. “Yto ai ating kunin.r, ang mica ng sugu; “Sasalitin ko sa yo ang baicit habang tayo’i nalipad!”
Lurnipad nga sila at nag salita ang sugu:
“Doon sa ibaba, sa makiput na daan, sa ilalim ng lupa ai mai tumirang isang mahirap at mai-sakit na bata. Mulang pagkatao nia’i lagi siang sakitin; ang kagalinggalingan niang tayo’i at ang kaniang kalakasan ai pagnakalakad siang makalaua sa maliit na silid tulung ang dalauang tunkud. Sa tagarao inaabot sia ng maiinit na sikat habang kalahating oras lamang sa malalim nilang tirahan, at pagka nauupu doon ang bata, napasisikat sa mainit na arao, at inaaninag ang mapulang dugu sa kaniang manga daliri, na kaniang itinatapat sa mukha, ai masasabing sia’i nakagala.
Kilala nia ang pagdadahon at pamumulaklak ng gubat lamang dahil at ang anak ng isang kapitbahai ai nagdala sa kania ng isang tankai ng haya, na ipinatong nia sa ulo, at inaring sia’i na sa lilim ng isang haya, na sinisikatan ng arau ai inaauitan ng mga ibon. Ysang arau din naman ng tagbulaklak ai dinal’han sia ng anak ng kapit-bahai ng mga bulaklak parang at nagkataong ang isa ai mai ugat, kaya nga itinanim sa isang paso, at ilinagai sa bintana sa tabi ng hihig’an. Magaang kamai ang nagtanim sa bulaklak, lumaki, nagsanga at taon-taon ai namumulaklak; sia ang masayang halamanan ng sakiting bata, ang munti niang yaman dito sa lupa; dinidilig nia at inaalagaan, at pinangungusiuaang tamohin hangan sa kahulihulihan ang lahat ng sikat rig arao na nagdaraan sa butas; luha nia ang nagpalaki sa halaman na namumulaklak dahil lamang sa kania, humahalimuyak at umaaliu sa paningin; hurnilig sa kania sa kamatayan, ng sia’i tauagin ng Dios. Ysang taon na slang tumitira sa tabi ng Dios, isang taon nakatayo sa bintana ang bulaklak na nakalimutan, natuyo, at kaya nga paglipat ng bahai ai itinapon sia sa buntun ng dumi. Yto nga ang bulaklak, ang abang, lantang bulaklak na ating isinapi sa ating ramillete sa pagkat ang bulaklak na ito ai nakapagbigay saya pa ng malaki sa karikitdikitang bulaklak sa halarnanan ng isang reina.
Every time a good child dies, an angel of God comes down to earth. He takes the child in his arms, spreads out his great white wings, and flies with it all over the places the child loved on earth. The angel plucks a large handful of flowers, and they carry it with them up to God, where the flowers bloom more brightly than they ever did on earth. And God presses all the flowers to His bosom, but the flower that He loves the best of all He kisses. And then that flower receives a voice, and can join in the glorious everlasting hymn of praise.
“Saan mo naalaman ang lahat na yan?” ang tanong ng bata na taglai sa langit ng sugu ng Dios.
“Alam ko,” ang sagot ng anhel, “sa pagka at ako rin nga yaong maliit at sakiting bata, na nanununkud: kilala kong tunai ang aking bulaklak.”
Yrninulat rig bata ang kaniang mga mata, tumingin sa masaya at madilag na mukha ng sugu, at noon din sila’i sumalangit, sa harapan ng Dios, sa saya at kalualhatian. Kinipkip ng Dios ang patai na bata sa pusu, at kapagdaka ai nagkapakpak, paris ng ibang anhel at lumipad na magka-kapit ang kamai. Ykinapit ng Dios sa dibdib and lahat ng bulaklak, datapua at hinal’kan nia ang abang tuyung bulaklak-parang, at nagka voces nga at nakiauit sa lahat ng anhel, na lumilibot sa Dios at iba’i nalapit na malapit, ang sa palibot nito at ang iba’i palayo ng palayo nguni at lahat ai malualhati. Munti at malaki ai umaauit, pati ng mabait at pinagpalang bata pati ng bulaklak-parang na itinapong tuyu sa buntun ng dumi ng arao ng paglipat ng bahai,sa makiput at madilim na lansangan.
Hello po, gusto ko lang po malaman kung saan nyo po ito kinuha? I mean anong source po? Need po kasi sa school hehe thank you po!!