NIAO’I KATAKUTTAKUT NA ginau; nalalaglag ang busilak, at nagdidilim ang gabi! Sa ginau na ito at ganitong kadiliman ai naglalakad ang isang maliit at abang batang babai, ualang pandong, hubad ang paa sa gitna ng daan. Nagkaroon nga siang tunai ng sinelas ng sia’i umalis sa bahai, nguni at anong saisai! Yaong sinelas ai lubhang mala1aki, na gmamit linuntai ng ml lubhang kalaki ng tumapon sa batang sia’i nagmamadaling tumauid sa daan, ng ang dalauang karuahe ai mabilis na natakbo! Ang isang paa ai di na nia nakulta, at ang isa’i itinakbo ng isang batang lalaki, na ang sabi ai gagauin mang higaan ng anak kung sakali at sia’i magkaroon.
Kaya nga naglakad ang batang babai, ang paa niang maliliit ai ualang sapin, at namumula at nangingitim sa ginau. Sa isang gulanit na tapis dala nia ang isang buntong sakafuego, at sa kamai dala nia ang isang bigkis. Uala isa mang bumili sa kania sa buung maghapon. Sinoman ai ualang nagbigai sa kania ng isang lapad man laman; gutum at nanglalamig sia nagpapatakbutakbu, at namamaluktut ang abang maliit ! Nagtauing sa madilao niang buhuk ang mga bulak ng busilak na magandang lumilibot sa kaniang lig, datapua at ang kagandahan ai di sumasaisip sa kania.
Sa isang suluk, pagitan ng dalauang bahai— ang isa’i nalilinsad ng kaunti at lumalabas sa daan—doon umupu sia at namaluktut. Ydinikit niang magaling sa kania añg maliliit niang paa, nguni at lab siang naginau, at hindi naman sia makapangahas umui sa bahai, sa pagka at uala slang naipagbiling sakafuego, ni isa mang lapad na tinangap. Papaluin sia ng ama, at sa bahai man ai ma-ginau din, Wei tumitira sa kisand at doo’i humahag,unos ang hangin, bagamat kanilang siniksikan ng dayami at basahan ang mga malalaking puang. Ang maliliit niang kamai ai naninigas manclin sa ginau. Ay! Makabubuti manding tunai ang isang sakafuego; kung mapangahasan man lamang niang bumunut ng isa sa bigkis, ikiskis sa pader, at painitan ang mga daliri.
Bumunut nga sia ng isa, Ritseh!” Anong pilantik, anong ningas! Nangyari sa maijit na bata na tila baga sia nakaupu sa harapan ng isang malaking apuyang bakal na mai paang tanso at mai patong na tanso rin; maiging nagaalab ang apui sa boob, at nakaiinit na mainam!—Ylinalabas na ng maliit ang mga paa, ng mainitan naman pati—siang pagka matai ng ningas, nauala ang aP uyan—sia’i nakaupung muli hauak ang isang maliit na tinting ng nasunug na sakafuego.
Nagkiskis sia ng isa na panibago, nagalab, nagningas, at ang pader na maabot ng kaniang liuanag, ai lumilinao na parang damit na pina. Ynabut nga ng kaniang paningin ang bob ng bahai, , dooi mai nakahandang mesa na mai takip na mantel na nakasisilau sa puti, punu ng mga pingang porselana, at umuusuk sa gitna ang isang inihau na gansa, na punu ng siniguelas at manzanas! At ang kainaminaman pa ai tumalon ang gansa sa pingang papanaog, lumakad na pauga-uga sa sahig taglai ang tenedor at cuchillo sa balugbug, patungo sa abang batang babai. Siang pagkamatai ng sakafuego, at uala siang nakita kundi ang makapal at malamig na pader.
Nagpaningas sia ng isang panibago. Naupu nga sia sa dalun ng kagandagandahang kahui sa pasko! Yto ai malaki pa at mapamuti sa mga kahui ng pino na kung Pasko’i kaniang nasisilip sa mga pintuang salamin ng mga mayayamang maitinda. Ysang laksang ilau ang nagniningas sa mga murang tankai, at tinutungo sia ng sari-saring kulai ng laroan, na paris ng nangaglagai sa mga escaparate ng tindahan. Ytinataas na nga ng bata ang kaniang mga kamai sa itaas—siang pagka-matai ng saca-fuego; nagakyatang paitaas ng paitaas ang isang laksang ilau, at ngaion nakita nia na yaon ang mga makikinang na bituin sa langit, at ang isa sa kanila ai nahulug at gumuhit ng isang mahabang guhit na apui sa langit.
“Ngaio’i mai taong namatai!” ang sabi ng bata, sa pagka at ang kaniang nunung babai, na nakaisaisang nagmahal sa kania at ngaion datapua’i patai na, ai nagsabi: “Pag mai nahuhillug na bituin ai mai umaakyat na kalulua sa Dios sa langit.”
Sia’i nagkiskis na muli ng isang sakafuego sa pader, at nagliuanag ang kaniang palibot, at sa gitna nitong liuanag ai nakatayo ang matanda niang lelang, marilag, mabait at punu ng pagibig.
“Lelang!” ang idinaing ng maliit “O dal’hin mo na ako! Alam ko nga na ikau mai papanau din pagkamatai ng sakafuego, katulad ng mainit na apuyan, ng magandang inihau na gansa, at ng malaki at marikit na kahui sa paskd!” Ypinagkikiskis nga niang dalidali ang lahat ng sakafuegong nasa sa bigkis, ibig niang pigilan ang lelang, at naglilivanag ang mga sakafuego na anaki’i nasa katanhalian ng arau. Kailan man ai di gaion kaganda ang lelang, gaion kalaki; kinalong nga nia ang abang batang babai, at sa livanag at saya ai nagsilipad silang paitaas, at doon di na sia nagdamdam ginau, glitum at takut—sila’i sumasa Dios!
Nguni at sa stiluk ng bahai, sa maginau, na maguumaga, nakaupu ang maliit na batang babai, mapula ang pisngi at umuumis ang bibig—patai sa ginau sa huling gabi ng lumang taon. Ang umaga ng taong bago ai dumaan sa maliit na bankai na nakaupu doon, taglai ang mga sakafuego, at dito’i sunug halos ang isang bigkis. Ang sabi ai ibig dau niang magdarang. Sino mai ualang nakatanto ng dikit na kaniang nakita, at kung saan livanag sila nagbagong taon ng kaniang matandang lelang.
