root word: daig
nanaig: conquered; predominated; excelled; outdid; surpassed; vanquished
nanaig, nananaig: prevailed, is prevailing
KAHULUGAN SA TAGALOG
nanaig: nangibabaw; nagwagi
nananaig: naghahari
Kahit paano ay may takot siya. Paano kung hindi magtagumpay ang operasyon sa kabila ng assurance ng mga doktor? Paano kung may mangyaring masama sa kanya habang inoopera? Ngunit mas nanaig sa mga naiisip ni Vinna ang determinasyon na magpalit ng kasarian. Nawala ang kaba niya matapos turukan ng pampakalma. Masaya na siya. Iyon na ang simula ng katuparan ng obsession niya na maging isang ganap na babae.