Banghay ng Cupid at Psyche

Nagsimula ang kuwentong “Cupid At Psyche” sa isang mortal na dalaga na ubod ng ganda na ang pangalan ay Psyche.

Kahit gaano pa kaganda ni Psyche, wala pa rin siyang asawa. Sa sobrang ganda niya ay hindi na siya iniibig ng kalalakihan; sa halip ay gusto na lang nila siyang sambahin.

Lingid sa kaalaman ni Psyche, nagagalit na sa kaniya ang diyosa ng kagandahan na si Venus, dahil nalilimutan na siyang sambahin ng mga kalalakihan dahil sa isang mortal.

Dahil sa inggit, nabuo ang plano ni Venus na paibigin si Psyche sa isang halimaw. Nagpatulong siya kay Cupid, ngunit maging si Cupid ay napaibig din kay Psyche, kaya hindi natuloy ang plano ni Venus.

Samantala, sa kagustuhan ng amang hari ni Psyche na magkaroon na si Psyche ng mapapangasawa, komunsulta siya kay Apollo. Hindi alam ng ama ni Psyche na nauna nang humingi ng tulong si Cupid. Nagbigay ng payo si Apollo sa hari kung paano matatagpuan ni Psyche ang halimaw na iibig sa kaniya.

Sinunod ang hari sa payo ni Apollo.

Pinadala nila si Psyche sa bundok kung saan siya susunduin ng kanyang mapapangasawa. Nagluksa ang lahat sa pag-aakalang katapusan na iyon ni Psyche. Tákot at pangamba ang nangingibabaw sa babae.

Dumating si Zypher, ang susundo kay Psyche at magdadala sa kaniya sa kanyang asawa. Nang maihatid na niya si Psyche sa palasyo ng kanyang mapapangasawa, nawala ang lahat ng kanyang takot, lalo na nang narinig niya ang malambing na boses ng kanyang mapapangasawa. Hindi niya nakikita ang kanyang asawa — naririnig lamang niya ang tinig nito.

Isang gabi, nag-usap sina Cupid at Psyche tungkol sa kanyang mga kapatid na magdadala sa kanya ng kapahamakan.

Noong nagluluksa ang mga kapatid ni Psyche para sa kanya, narinig niya iyon. Sa sobrang awa, nakiusap si Psyche kay Cupid. Kahit sobrang bigat ng desisyon na iyon kay Cupid ay pinayagan niya si Psyche. Inihatid ni Zephyr ang dalawang kapatid sa palasyo. Lubos na namangha ang mga ito dahil ang palasyo ay gawa sa ginto. Nainggit sila kay Psyche kaya gumawa sila ng masamang plano. Ginulo ng dalawang magkapatid ang isip ni Psyche hanggang hindi na niya alam ang kanyang gagawin. Sinabi ng mga kapatid niya na halimaw si Cupid at marapat niya itong patayin.

Noong gabi na gagawin na ni Psyche ang pagpaslang kay Cupid, siya ay natigilan. Sa liwanag ng dala niyang lampara, sa wakas nakita na niya ang mukha ng kanyang asawa. Nakita niyang si Cupid ay hindi halimaw, kundi ang pinaka-giwapong nilalang sa buong mundo. Labis ang kanyang pagsisisi. Sa kagustuhan niyang pagmasdan ang mukha ni Cupid, inilapit niya ang lampara. Sa kasamang palad, natuluan si Cupid ng langis at siya ay nagising at nalaman ang pagtataksil ng asawa. Agad siyang umalis upang pumunta sa kanyang inang si Venus. Ikinuwento ni Cupid ang nangyari at dumagdag ito sa galit ni Venus kay Psyche.

Alam ni Psyche na hindi siya mapapatawad ng diyosa na si Venus, ngunit susubukan niyang gawin ang lahat upang patunayan ang kanyang pag-ibig kay Cupid.

Naglakbay si Psyche papunta sa kaharian ni Venus, nagbabakasakaling nandoon ang kanyang asawa at para humingi ng tawad kay Venus. Sa mga panahong iyon, nagpapagaling pa si Cupid.

Binigyan ni Venus si Psyche ng tatlong pagsubok.

Una, ang pagkolekta sa iba’t ibang uri ng buto. Natapos ni Psyche ang pagsubok na iyon sa tulong ng mga langgam. Pangalawa, ang pagkuha ng buhok sa mga mababangis na tupa. Nagawa ni Psyche ito sa payo ng isang halaman. Pangatlo, ang pagkuha ng maitim na tubig mula sa mabatong balon. Naisakatuparan niya iyon sa tulong ng isang agila.

Hindi nakontento si Venus sa pagpapahirap kay Psyche kaya naman binigyan pa niya ito ng isa pang pagsubok.

Binigyan ni Venus si Psyche ng kahon at inutusan niya itong humingi ng kaunting kagandahan kay Persephone, ang diyosa sa ilalim ng lupa. Tulad ng mga naunang pagsubok, may tumulong sa kaniya. Binigyan siya ng gabay ng isang tore kung paano siya makakapunta at makakapasok sa kahariaan ni Hades. Nagtagumpay si Psyche sa pagpunta sa kaharian sa ilalim ng lupa at nakuha ang hinihingi ni Venus. Si Psyche ay pabalik na sa kaharian, ngunit natukso siyang buksan ang kahon at kumuha ng kaunting kagandahan para umibig ulit sa kanya si Cupid, sa pag-aakalang ‘di na siya mahal ng kanyang asawa. Sa pagbukas niya ng kahon, bigla siyang nanghina at nakatulog.

Sa panahong iyon magaling na si Cupid. Hinanap niya ang kanyang asawa at natagpuang walang malay. Tinulungan niya ang kanyang asawa para matanggal ang gayuma at tuluyan nang matapos ang kaniyang pagsubok.

Nagpatuloy si Psyche kay Venus upang dalhin ang kahon at tuluyang tapusin ang pagsubok, samantalang si Cupid naman ay humingi ng tulong kay Jupiter upang hindi na gambalain pa ng ina ang pagmamahalan nila.
Pinulong si Jupiter ang mga diyos — sinabihan niya ang lahat na wala nang maaari pang gumabala kina Cupid At Psyche, maging ang ina ni Cupid na si Venus. Sa pamamagitan ng pagkain ng ambrosia, naging diyosa narin si Psyche. Siya ay tinaguriang diyosa ng mga kaluluwa.

Nagpakasal sina Cupid at Psyche. Ang ina ni Cupid ay napanatag na sapagkat diyosa n arin si Pysche. Naging maligaya na rin ang mag-asawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *