Ilang daing ang hindi namulas; ilang tungayaw ang inimpit sa aserong dibdib? A, mga moog. Tahimik na moog habang natutulog ang mga bulkan. Habang umaawit pa ang mga saluysoy na pinaghugasan ng mga luyang paa. Habang mapurol pa ang dahon ng talahib. Habang naghahasa ng sinag ang buwan. Habang naghahasa ng kampit ang langit.