Mangingibig (Tula)

This Tagalog poem was written by Filipino poet Teo S. Baylen (1904-1990). MANGINGIBIG Inibig ko ang gabi kahit walang ningas ang tala, inibig ko ang tanghali kahit namamaso ang araw, inibig ko ang punongkahoy kahit nalalagas ang dahon, inibig ko ang lupa kahit tigang ai nangangalirang, inibig ko ang alon kahit nag-aaaklas sa pilapil. Bakit? … Continue reading “Mangingibig (Tula)”

This Tagalog poem was written by Filipino poet Teo S. Baylen (1904-1990).

MANGINGIBIG

Inibig ko ang gabi kahit walang ningas ang tala,
inibig ko ang tanghali kahit namamaso ang araw,
inibig ko ang punongkahoy kahit nalalagas ang dahon,
inibig ko ang lupa kahit tigang ai nangangalirang,
inibig ko ang alon kahit nag-aaaklas sa pilapil.
Bakit? Dahil ako’y nagmamahal at naniniwala;
Habang inililibing ang tala
lalong sumisilang ang libong liwanag;
Habang idinadarang sa init
lalang nabibihasa sa halik ng pagtataksil;
abang pumupula ang silahis
lalong nag-aalab ang pag-ibig;
Habang nalalagas ang dahon
lalong nag-uusbong at namumunga;
Habang natitigang ang lupa
lalong bumubukal ang tubig;
Habang pinipilapilan ang alon
lalong nagkakapag-asa ang paglaya,
Dahil mangingibig akong isinilang
na tinatabas ang mga dahon,
nakaligtas ang mga ugat na gumapang
sa mga talampas, burol at bundok;
Pinalusog ang mga ligaw na bulaklak at damo,
upang magsabog ng halimuyak
sa darating pang mangingibig at mandirigma.

9 AGOSTO 1984

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *