Birata-Birata

Ito ay larong Pilipino.

Bilang ng manlalaro: 20 o higit pa
Baitang: I- II
Saan nilalaro: Silid-aralan o Gym

PAANO MAGLARO NG BIRATA-BIRATA

Nangaka-upo sa isang bilog ang mga bata unat ang dalawang paa. Isang batang taya ang nasa gitna.

Isang panyo ang ipinapasa sa ilalim ng tuhod. Habang ito ay ginagawa, pilit na aagawin ang panyo ng taya.

Kung siya ay magtatagumpay sa pag-aagaw, ang inagawan habang ito ay ipinapasa sa iba ang magiging Taya.

Sabay-sabay ang mga bata na magsasabi ng “Birata-Birata” at lumilikha ng ingay sa pamamagitan ng pagpalakpak ng kamay sa sahig na sabay-sabay habang ipinapasa ang panyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *