KAHULUGAN SA TAGALOG
muóy: babaeng kuto
Ang makatang si Rio Alma (Virgilio Almario) ay mayroong isinulat na ang pamagat ay Muoy.
Nagiging sanhi ito ng tren at hagdan ng kapitbahay namin ang perokaril. Sayang at di naikuwadro. Malimit na tatluhan, depende sa bilang ng eestasyunang baitang. Oro. Plata. Mata. Parang anda-andanang bagon paitaas, mula dalagita hanggang lola, nagrerelyebo nagrerelyebo kada oras, hanggang magsawa ang araw o biglang maalala ang nakasalang na sinigang.
Bulalas nga ni Rolando, katangi-tanging agham, katangi-tanging sining! Ang mga talas ng mata, daig pa ang ispatlayt; at ang mga bihasang daliri, daig pa ang siruhano sa pagsaliksik ng mga tangi’t kubling yungib ng anit. Mahirap mong maawat ang pagtitipong ganito kung Linggo. Mas mainam ito kesa maglaro ng binggo, wiwikain nilang parang hermana mayor, at saka itutuloy ang misa ng pagkalkal sa ulong makasalanan kasabay ang umaatikabong sitsitan.
Memo mulang Gimokudan: aklat ng tulang tuluyan (2005)