MUNTAWIT

Ang salitang muntawit ay isang salitang likha na mula sa “munting awit.”

This is a brief song, like a classic English sonnet.

MUNTAWIT NG PAG-IBIG

Halina’t umahon, Mutyang Perlas,
Tayo’y magliwaliw sa pangarap;
Tingalin ang langit, walang ulap;
Tanawin ang Buwan, kay liwanag,
Maraming Bituing kaakibat.

Sa tabi ng landas, sa tugatog,
Daming ilang-ilang, makampupot;
Ipipitas kita, aking irog,
Saka tutuhugin ng pagluhog,
Nang iyong mahagkan pati ubod.

Kung masiyahan na ang puso mo,
Aking kagalakan ay gaano;
Kung magsawa ka man ay maano,
Sukat ang pumatak ang luha ko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *