Saksi (Witness) is a short Tagalog poem from the early 20th century.
SAKSI
I.
Ikaw nga’y dapat kong mahalin nang labis
at ukulang tang̃i ng̃ aking pagibig,
pagka’t natunayang ikaw’y isang lang̃it
na di dadalawin ng̃ mg̃a pang̃anib.
II.
Nananalig akong napakadalisay
ng̃ iyong pag-ibig sa ating suyuan,
kaya’t ang puso ko’y nagpapakatibay
hanggang sa sumapit ang dakilang araw.
III.
Pagaaralan ko, hanggang makakaya
na ikaw’y malagak sa tuwa’t ginhawa,
pagiing̃atan kong huwag kang magdusa
kung na sa sa akin ang iyong ligaya.
IV.
Kaya’t aking irog: Ikaw’y pumanatag;
at kung sakali mang tayo’y mabagabag
ay huwag magtaká sa Sangmaliwanag
pagka’t ang lang̃it ma’y nagaalapaap..!