MULA

mú·la

mulâ
originate, start from,
stem from

mulâ sa puso
from the heart

Mulâ sa aking puso.
From my heart.

Ito ay mulâ sa akin.
This is from me.

Ito ay mulâ sa pelikulang Barako.
This is from the movie Barako.

Nagmula ang tao sa unggoy.
Humans originated from monkeys.

Magmula noon…
From that day on…


mula nang
from when, since

Mula nang naaksidente ako…
Since I was in an accident…

Mula pa noong unang panahon…
From olden times…

Related Tagalog word: buhat


MGA KAHULUGAN SA TAGALOG

pinagbuhatan, pinagmulan, pinanggalingan, pinagkunan; umpisa, simula, pinagsimulan; pamuhatan

mulâ: kinuha, ibinatay, o hinango; karaniwang dinurugtungan ng sa

kinuha sa, ibinatay sa, hinango sa

mulâ: tumutukoy sa panahong namagitan, sa panahong binanggit, at sa panahong isinasaalang-alang, karaniwang may katambal na “hanggang,” nagsasaad ng simula ng isang kilos, proseso, at katulad na pangyayari

halimbawa: “mula Aparri hanggang Jolo”

mula’t sapúl: mula’t mulâ

múla: anak ng kabayo at asno at ginagamit sa pagbuhat at paghila ng mabibigat na bagay

múla: tawag sa sapatos ng Papa

Sa wikang Ilokano, ang múla ay haláman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *