root word: linga (lingon)
lumingalinga
look around
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
linga: lingon, kiling
linga: baling ng tingin, sulyap, tanaw
lumingalinga: lumingon-lingon
lumingalinga sa likod at sa harap
Luminga-linga siya. Hinahanap niya kung saan maaaring lumiko ang bata, o kung saan ito maaaring magtago. Wala naman siyang makita. Ang kalsadang nakasanga sa daang iyon ay napakalayo pa.
luminga nilinga palinga-linga lilinga lilinga-linga lumilinga luminga-linga magpapalinga-linga mapapalinga nagpalinga-linga pagkakalinga pagkalinga
Luminga-linga si Mang Selo at ang apat na lalaki. Nakilinga-linga na rin si Pedrito. Napansin niyang kabi-kabila sa pook na iyon ang malalakas na atungal ng mga unggoy sa itaas ng mga punung-kahoy.
Habang lumalakad ako, narinig ko naman ang tilaok ng manok. Nagtaka ako. Ikalawa pa lang ng hapon. Bakit tumitilaok na ang manok? Luminga-linga ako. Wala akong nakitang manok sa paligid.