Mula sa Florante at Laura…
Nagkataong may dumating na Morong gerero mula sa Persya.
Huminto ito sa paglalakad at naghanap ng mapagpapahingahan. Tumayo na tila estatwa, tumingala, at nagbuntung-hininga.
Nang mangawit na ay umupo sa isang puno, umiyak, at nag-isip na tila ba may isang bagay na nalimutan.
Hindi na sana maghihinagpis nang ganoon ang gerero kung ibang tao ang umagaw sa kanyang kasintahan at hindi ang kanyang ama. Ayon sa kanya, kung ibang tao lang ito, dadanak ng dugo at walang sasantuhin ang kanyang mga kagamitang pandigma.
Nasa ganitong sitwasyon siya nang marinig niya ang buntunghininga ng isang lalaking nakagapos.
Nagulat ang gerero nang marinig niya ang panaghoy ni Florante. Luminga-linga siya at nang walang makita ay naghintay. ‘Di nagtagal, narinig na naman niya ang buntung-hininga. Lalo namang namangha ang gerero sapagkat walang mag-aakala na may tao sa ganoong klaseng lugar. Lumapit siya sa pinanggagalingan ng hinaing at nagmatyag.
Narinig niya ang kalungkutan ng lalaki sa pagkamatay ng pinakamamahal na ama. Ang pagkahulog nito sa kamay ng taksil na si Adolfo na naging malupit sa kanyang ama na ubod naman ng bait. Nagugunita niya kung paano pinagmalupitan at nilapastangan ng konde ang kanyang ama. Dinig na dinig ng gerero ang pagdadalamhati ni Florante…
gross misspellings: boud, mapanghabgad
Thanks!!!!!!!!!
Thank you so much 😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘