lakdáw: step; omission
lakdawán: to step over, omit; override
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
lakdaw: laktaw, lampas, lukto
Ang tulang Tagalog ay nagsimulang maging “panggising sa tulog na damdamin ng bayang nagtitiis ng madlang hirap.” Namalasak ang tulang Tagalog sa iba’t ibang dako at lakdaw ng buhay, at pati liham ng paanyaya ay patula isinusulat. Ang panahon ng Pagpapalaganap ay hanggang noong 1940, at ang hinaing ni Balmaseda ay ang pagpaparamihan ng tula sa mga pahayagan bukod sa mga ipinalimbag ng sarili ng mga makatang tulad nina Lope K. Santos, Inigo Ed. Regalado…