Ang Teoryang Romantisismo ay napahahalagahan ang bisa ng pagkakagamit ng kalikasan at kapaligiran sa pagiging masining ng akda. Inspirasyon at imahinasyon ang instrumento sa patguklas ng katotohanan, kabutihan at kagandahan. Nabibigyang diin din dito ang iba’t ibang damdaming nakapaloob sa akda.
Itinuturing na makatang romantiko ng panulaang Filipino sina Jose Corazon de Jesus, Lope K. Santos, Ildefonso Santos, Florentino Collanes, Inigo Regalado, Teodoro Gener at iba pa. Sa maikling kuwento at nobela nangunguna sina Macario Pineda, kasunod sina Jose Esperanza Cruz, Fausto Galauran, at iba pa.

