The corrido is a popular narrative song and poetry form of Mexico. It is a ballad that has its origins in 18th-century Spanish romance.
corrido
Mehikanong kurido
Mexican corrido
Ano ang kurido?
Ito ay patulang salaysay na paawit kung basahin.
Tinatawag din itong tulang romansa (metrical romance).
Ang salitang kurido ay nagbuhat sa salitang Espanyol/Latino na nangangahulugang “kasalukuyang pangyayari.”
Taglay nito ang mga paksang may kinalaman sa pagkamaginoo at pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao sa kaharian tulad ng mga hari, prinsipe, duke, reyna at prinsesa na ang layunin ay palaganapin ang relihiyong Kristiyano na inihahandog sa Diyos, sa bayan at sa mga babaing mahal nila sa buhay.
Ang kurido ay dala rito ng mga Kastila buhat sa Europa na pawang sa ibang bansa ang tagpuan ng mga pangyayari sa salaysay. Pinagsama-sama rito ang romansa, ang pakikipagsapalaran, kabayanihan, at kataksilan at mga sangkap na pantakas sa karahasan ng katotohanan.
Minsan ang kurido ay tinatawag ding awit, at di-tiyak ang pagkakaiba ng dalawa.
Mga Halimbawa ng Kurido:
Ibong Adarna, Ang Haring Patay, Mariang Kalabasa, Mariang Alimango