Literature or literary expression can generally be classified into two forms: prose and poetry.
Ang pahayag na pampanitikan ay may dalawang anyong panlahat ng pananalita: tuluyan at patula.
Ang tuluyan (prosa) ay maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa katutubong takbo ng pangungusap.
Ang patula ay pagbubo ng pahayag sa pamamagitan ng salitang binilang sa pantig (6, 8, 12, 16, o 18 sa taludtod) at pinapagtugma-tugma sa mga dulo ng mga taludtod sa loob ng isang estropa (stanza).
Sa tuluyan, ang lalong karaniwang akda ay anekdota, kuwento, alamat, maikling katha, kathambuhay, sanaysay, talambuhay, dula, at iba pa.
Sa mga tula, ang lalong karaniwang akda ay liriko, oda, pastoral, kurido, tulang pasalaysay, tulang padula, soneto, at iba pa.
