This is from the Spanish word comedor.
ko·me·dór
dining room
spelling variation: kumidór
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
komedór: silíd-kainán
komedór: silíd o bahagi ng bahay para sa sáma-sámang pagkain ng mag-anak at panauhin
Tumungo ang lahat sa komedor, liban sa mga babae…
(Noli Me Tangere)
Mangangati ang mga daliri sa bulsa’t portamoneda,
Mananaig ang tinig at turing ng salapi,
At hahantong silang nakabalot na biyaya
Sa masisipag na kusina para hubdan, halayin ng kamay
o kalan, at tanggapin sa mga komedor at restoran.
Hindi matatawaran ang gutom ng lungsod
Kaya’t ngayon itatambad sa pangwakas na pagpapasiya
Ang mga basyong de-lata, basyong de-bote
At mga basyong supot, basyong palara, basyong kahon
Kasama ng mga naipong alambre, tinik, simi, balat
At mga itinakwil na turnilyo, pahina’t garapon,
Kasama ng mga pagod na aparato’t beteranong muwebles,
Kasama ng mga kondom at latak ng lipunan;
Kasama ng mga sebo’t banil ng lababo’t inidoro
At ng mga uling na kaldero’t pugon…
non-standard spelling variation: komidor