Mga Halimbawa ng Tambalang Salita
SILÍD-ARALÁN
silíd-aralán: silíd na pinagdarausan ng pagtuturò sa mga batà
silíd-aralán: silíd na laan para sa pag-aaral
SILÍD-KAINÁN
silíd-kainán: silíd o bahagi ng bahay para sa sáma-sámang pagkain ng mag-anak at panauhin
SILÍD-PÁHINGÁHAN
silíd-páhingáhan: silid na laan para sa pagpapahingá
SILÍD-PULUNGÁN
silíd-pulungán: silíd na laan para sa pagdaraos ng mga pulong o kumperensiya
SILÍD-TANGGAPÁN
silíd-tanggapán: silíd na laan para sa pagdatíng ng mga panauhin
SILÍD-TULUGÁN
silíd-tulugán: silíd na laan para sa pagtulog
