This Kantahin sa Pangangaluluwa was reported by Erwin Castillo in his piece “Souls Still Sing for Coins and Cakes in the Cold, Dark Cavite Hills,” published in Philippine Panorama. Vol. 10, No. 46, on November 1, 1981.
Kaluluwa kaming poro
Nanggaling sa purgatoryo
Kaya po kami naparito
Dinadalaw namin kayo…
Kung kayo po ay maglilimos
Dali-dali po ninyong bigyan
Baka po kami mapagsarahan
Ng pinto ng kalangitan…
Bukas na po nang umaga
Tayong lahat ay magsisimba
At doon natin makikita
Ang limos ng kaluluwa…
May-bahay na ina
Na tinatawagan
Kaming kaluluwa’y
Di po ba mangyari
Kami ay limusan
Kaming kaluluwa’y
Nasa katahiban…
May bahay po ay gumising
Taghoy namin inyong dinggin
Kaluluwa’y dumaraing
Na sa inyo’y bagong dating
Na sa langit nanggaling
At sinugo nitong anghel
Inutusan na ngayon din
Kayong lahat ay dalawin…
Kung kahit man at hindi dapat
Na sa inyo ay tumapat
Sa pagtulog binagabag
Ng pagtawag na marahas
Dumating na po ay ang oras
Na ang mapalad na tadhana
Sa kaluluwa
Ang Diyos Ama at Diyos Anak.
Nang si Hesus ay maglakbay
Sa bundok at kaparangan
Ang una niyang naraanan
Bahay ng isang mayaman.
Pagdating ng tarangkahan
Ang sumbrero’y ipinugay
Tao po, anya, ang maybahay
Painumin, ang may-uhaw.
Ang mayaman nanungawan
Ang matanda’y pinagmasdan
Nang makita niyang sugatan
Hindi dapat anyayahan.
Tinawag pa ang alipin
Ang matanda ay painumin
Huwag sa baso daanin
Kundi sa tabong pansaing
To be continued…