This Filipino word is from the Spanish purgatorio.
purgatoryo
purgatory
Para sa mga Katoliko, ang purgatoryo ay isang kalagayan o proseso ng paglilinis kung saan ang mga kaluluwa ng mga namatay ay inihahanda para sa Kalangitan.
For Catholics, purgatory is a state or process of purification in which the souls of those who have died are prepared for Heaven.
Marami kasing mga kaluluwa ang hindi pa nakatatanggap ng parusa para sa kanilang mga kasalanan kaya hindi sila maaaring diretsong pumunta sa langit. Ang mga kasalanan nila ay hindi naman masyadong mabigat na kailangan nilang pumunta sa impiyerno.
There are many souls who have not yet received punishment for their sins so they cannot go directly to heaven. Their sins are not so grave that they need to go to hell.
Kaya kailangan muna nilang pagsisihan ang kanilang mga kasalanan, saka sila makaaalis sa purgatoryo papuntang langit.
So they first have to repent for their sins before they can leave purgatory to go to heaven.
Sa pang-araw-araw na pananalita, ang pagsabi na “nasa purgatoryo” ay nangangahulugang nasa pagitan ng langit at impiyerno.
In everyday speech, saying “in purgatory” means being in between heaven and hell.
KAHULUGAN SA TAGALOG
púrgatóryo: sa doktrinang Katoliko Romano, pansamantalang kalagayan o pook para sa paglilinis ng kaluluwa sa pamamagitan ng pagpurga sa mga kasalanang pinagsisihan at pinatawad na ngunit hindi pa pinagdusahan nang sapat
sa oras na makawala ako sa purgatoryong ito


