Mula sa Munding-Munding ni Alberto Florentino
Jocelynang Baliuag
Sa tarik ng sinta, pagal na sa hirap,
ang bunga ng nasa’y laging inaakyat;
anyong padudulo’y biglang itinulak
ng kapang-agaw ko sa sinta mo’t liyag.
Ang idinilig ko’y luhang bumabatis,
binabakuran ko pa, masinsing pag-ibig;
sa hardin ng sinta, ako ang naglinis,
saka nang mamunga, iba ang nagkamit.
Adios, halamanang aking binakuran,
hirap at dalita, diyan ko kinamtan;
kung kaya nga lamang di ko malimutan,
palibhasa, Neneng, pinamuhunanan.