Halimbawa ng Elehiya

This is an example of an elegy in the Tagalog language.

Huwag aglahin ng mapaglunggati ang kanilang buhay,
ang mumunting galak at ang aba nilang kalagayan
Ni huwag uyamin ng mapagsangyon o larawan lamang
ang talang maikli ng maraming nalagak sa hukay.

Ang pagmamalaki at pagpapalalo sa tungkulin
ang madlang kariktan na dulot ng ganda’t kayamanang angkin,
Ang lahat na iya’y may iisang wakas lamang na hihintin
ang landas ng puso’y landas na patungo sa ulilang libing

Magagawa pa kaya ng marangyang tumba’t bantayog
na buhay ang papagbalikin sa katawang lupa ang kanyang nanaw?

Ang piping alabok kaya’y magising pa sa tawag ng dangal,
maaliw pa kaya ng puring matabil yaong kamatayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *