GAGAHANIP

root word: gahanip (meaning: a tiny fraction)

MGA KAHULUGAN SA TAGALOG

gagahanip: napakaliit na halaga

kahit gagahanip walang pinagkulang: ni katiting hindi nagkulang

Nagsiklab ang poot sa kanya na kangina pa nagpupuyos sa kanyang dibdib; may kung anong sumulak sa kanyang ulo; mandi’y gagahanip ang tingin niya sa batang kaharap. Hinawakan niya ito sa isang bisig at sa pagdidilim ng kanyang paningin ay pabalingat niyang pinipilit sa likod. — Ang Kalupi


Sa pitang matapat ng sintang dalisay
kahit gagahanip walang pinagkulang
— Sintang Dalisay


At kahima’t gagahanip
Sa ibang sama ay batid
Walang hindi masisilip
At ang lahat ay saliksik.
At ang buong isip tila
Siya’y totoong husto na
At hindi inaalaala
Ang sariling sama niya.
Orosman at Zafira


Sa casing Romeo ang pan~gacong yacap
cung siya’y mamatav tunay n~gang natupad
sa luha at dugo halos nan~gababad
ang capoua bangcay n~g nag-isang palad.

Puso ni Julieta ang nayong umirog
dugo rin n~g puso ang boong binuhos
sa caniya’t sa casi na inaring sapot
at hangang libin~gan laman pinagtampoc.

Cung ano ang bucál n~g puso sa bibig,
n~g nagliligauan naganap na pilit,
hindi masasabing daya caya litis
gaya n~g di ilang sabihang pag-ibig.

Mahalagang buhay n~g tao’t sino man
Julieta Romeo hindi nanghinayang
sa pitang matapat n~g sintang dalisay
cahit gagahanip ualang pinagculang.

Cung ang naguing palad dusang catnig-catnig;
ang pagtitin~ginan lúbid na matamis
ni isa ma’y ualang nagpatanao sun~git
na binubucalan n~g hidua sa dib-dib,

Ano’t n~gayong nanao mahalang buhay
Julieta’t Romeo sa pag si sintahan,
siya namang banguitin tauong naramdaman
Julieta’y n~g bago maquita ang sundang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *