In this short Tagalog poem, the poet is addressing a woman and rhapsodizing about her soft cheeks, comparing them to a hibiscus flower.
ANG MGA PISNGI MO
Ang lahat ng̃ buti’y natipon na yata
Sa kabataan mong ilag sa paraya,
Pati ng̃ pisng̃i mong pisng̃i niyong saga
Ay nakahihibang at nakahahang̃a.
Ang mg̃a pisng̃i mo’y malambot, maamo,
Mayumi, manipis at hindi palalo,
Ang sang̃ahang ugat kahit humahalo,
Ay napapabadha’t… di makapagtago.
Kung ikaw’y hindi ko dating kakilala
Ako’y mamamangha kung aking makita
Ang mg̃a pisng̃i mong wari’y gumamela.
Naiinggit ako sa paminsanminsan
Sa dampi ng̃ hang̃ing walang-walang malay,
Pano’y kanyang-kanya ang lahat ng̃ bagay..!