Erap Jokes

“Erap” is the nickname of former Philippine president Joseph Estrada. He first gained fame as a movie actor, and his level of intelligence has often been the subject of jokes.

FIRST EXAMPLE OF ERAP JOKE

Isang gabi pumasok si ERAP sa isang mamahaling restawran sa Amerika… Paglapit niya sa bar ay may nakita siyang dalawang Amerikanong nakaupo na doon. Hindi alam ni Erap kung ano ang tamang gawin sa napakasosyal na lugar, kaya hinintay niyang mauna ang dalawang Amerikano.

Umorder ang unang Amerikano, “Johnnie Walker. Single.” Binigyan ng bartender ng inumin ang Kano.

Sunod naman ang pangalawa, “Jack Daniels. Single.” Binigyan din ng bartender.

Parang nakuha na ni ERAP ang tamang gagawin. Tiningnan niya ang bartender at buong lakas-loob na nagsabi, “Joseph Estrada. Married.”

SECOND EXAMPLE OF ERAP JOKE

Sina Cory, Ramos at Erap ay nagbabaksyon sa Iraq nang madakip sila ng mga puwersa ni Saddam. May tinatagong galit si Saddam sa mga Pilipino, kaya hinatulang niya ng parusang kamatayan ang tatlong lider.

Dahil sa kapwa niyang pangulo ng bansa ang tatlo, naisipan ni Saddam na pagbigyan sila ng pamimilian. “Panno ninyo gustong mamatay? Firing squad? Ilubog sa kumukulong langis? Injeksyunan ng dugong may AIDS?

Sabi ni Tita Cory, ” Ang sa akin, firing squad na lang para walang hirap.”

Si Ramos ay sumunod, “Firing squad na lang din para nga walang hirap.”

Si Erap ang iisang pumili ng ibang paraan. “Sa akin, injeksyon ng AIDS virus.” Sabay bulong kay Ramos. Huwag kang maingay. Nakakondom ako.”

To be translated into English…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *