EKSISTENSIYA

This Filipino word is from the Spanish existencia.

eksistensiya
existence

spelling variation: eksistensya

Existence is the fact or state of living or having objective reality.

Tinatawag din itong pag-iral, pamamarati o pamamalagi.

Sa larangan ng pilosopiya, ang eksistenisya ay nangangahulugang “ang katayuan o kalagayan o katotohanan ng pagiging”, ngunit maraming iba’t ibang mga pananaw ukol sa kahulugan ng salitang ito, at kung paano ang umiral.

May kaugnayan ito sa salitang pagkabuhay, “pagiging buhay” o “pagiging may buhay.”

Madalas itong nakaugnay sa pandiwa o berbong “maging” katulad ng diwang ipinababatid sa sumusunod na mga pangungusap na ginagamit ng salitang ay:

Ako ay isang tao.
Ito ay isang panulat.
Ang langit ay bughaw.
Ang apat na dinagdagan ng tatlo ay pito.

MGA KAHULUGAN SA TAGALOG

eksisténsiyá: búhay; pananatiling buháy

eksisténsiyá: íral o pag-iral

eksisténsiyá: pananatili

eksisténsiyá: pamumúhay

One thought on “EKSISTENSIYA”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *