Paano binubuo ang pandiwa?

Ang pandiwa ay binubuo ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi.

Ang salitang-ugat ay nagbibigay ng kahulugan ng pandiwa samantala ang mga panlapi ay nagpapakita ng relasyon ng simuno at pandiwa, gayon din ng uri ng aksiyon o kilos.

salitang-ugat
root word

panlapi
affix

Ang pandiwa ay nasa anyong pawatas kung ito ay hindi nababanghay.

Halimbawa ng mga pandiwa na nasa anyong pawatas:

maglaba, manghiram, makiusap, makatapos
bumili, baguhin, turuan, ibigin, itago
ipagluto, ipambili, panghiraman

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *