DINGAL

dí·ngal

díngal
grandness, splendor

Splendidness.

MGA KAHULUGAN SA TAGALOG

díngal: kataimtiman at kadakilaan ng isang okasyon

halimbawa: dingal ng isang ritwal o misa

karingálan, napakaringal

díngal: seremonya at pagtatanghal ng kagila-gilalas, lalo na sa isang pagdiriwang na pangmadla

Ang Pasko, para sa Sunog-Apog, ay iyong ubod-dingal na pagdiriwang na nagaganap sa loob ng isang napapaderang bakuran, at siya, ang Sunog-Apog, ay iyong matang nakasilip sa pagitan ng mga rehas na bakal sa tarangkahan. Ang tanging laganap kung Pasko, para sa Sunog-Apog, ay ang nangangagat na lamig, na mandi’y siyang tanging biyaya sa kanya pagkat siya’y walang kumot.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *