Tunay na Diwa ng Pasko
Napakalamig na ng simoy ng hangin
Para bang may ibunubulong ang langit!
May magandang mensahe ang mga angel;
Parating na ang Dakilang Tagapagligtas!
Hatid nito’y tuwa at galak sa bawat isa.
Ngunit, anu-ano nga ba ang mga ginagawa mo,
Upang salubungin ang pagdating ng Pasko?
Sa pamimili nga ba ng mga mamahaling regalo’t pagkain,
At ng bumubusilak na mga palamuti’t tanawin?
O, di kaya’y sa isang malaking piging para sa mga kamag-anak at kaibigan?
Ang Pasko’y dapat nagmumula sa puso,
Ng bawat isang nilikha ng Dios, Ama
Ito’y nagbibigay ligaya’t tuwa,
Sa Kanyang bawat nilikha
Ang tunay na diwa nito,
Ay di makikita sa mga bagay na makamundo!
Sa isang payak at abang sabsaban,
May isang sanggol ay isinilang,
Saksi ang mga bituin sa langit sa Kanyang pagdating;
Isang batang nagbibigay ng mabuting halimbawa,
Sa bawat isa, dito sa lupa.
Ang Pasko ay isang pag-aalay ng mga biyaya,
Tulad ng ginawa ng batang si Hesus;
Iniaalay ang kanyang sariling buhay,
Upang ang sangkatauhan ay maligtas,
Sa mga kasanalang nagawa.
Sana tayo rin ay maghandog ng mga regalo
Para sa mga dukha dito sa mundo
Upang sa gayo’y mararamdaman ng mga ito,
Ang tunay na diwang Pasko!