“Wika ng Kasaysayan, Kasaysayan ng Wika”
Ang mga Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya
Nakasentro ang tema ng Buwan ng Wika 2020 sa halaga ng Filipino at mga katutubong wika sa bansa bílang mabisang sandata sa pakikidigma laban sa pandemya. Layunin nitóng himukin ang BAYANIHAN ng sambayanan upang masugpo ang patuloy na paglaganap ng COVID-19 sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga impormasyon o pabatid-publiko na nása Filipino at mga katutubong wika. Pagbabantayog itó sa kahalagahan ng mandato ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na itaguyod ang pagpapalaganap ng Filipino at mga katutubong wika sa bansa bílang pinakamabisang midyum sa pagkakaroon ng kolektibong pag-uunawaan ng sambayanan.
Ang tema ng Buwan ng Wika 2020 ay hinati sa apat na lingguhang tema:
3-7 Agosto 2020
Pagtangkilik sa Katutubong Wika bílang Pagpapahalaga sa mga Pamanang Pangkultura sa Panahon ng Pandemya
10-14 Agosto 2020
Katutubong Wika: Wika ng Pagtugon at Artikulasyon ng Bayanihan sa Panahon ng Krisis at Pandemya
17-21 Agosto 2020
Kamalayan sa Kasaysayan sa Pagsasawika ng Karanasan tungo sa Bayanihan sa Panahon ng Pandemya
24-28 Agosto 2020
Ang mga Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya
Hirap.