Pertaining to the people and language of Aklan.
Ak·lá·non
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
Aklánon: pangkating etniko na matatagpuan sa lalawigan ng Aklan
Aklánon: wika ng pangkating ito
ábtik: lísto
búkya: dikyà
bánagbánag: liwaywáy
Aklánon ang tawag sa wika ng grupong Aklánon na naninirahan sa lalawigan ng Aklan. May ilan ding nagsasalita nitó sa lalawigan ng Palawan, tulad halimbawa sa bayan ng El Nido at sa ilang bahagi ng mga bayan ng Narra, Quezon, Roxas, at Sofronio Española.
Bukod sa kanilang katutubong wika, may ilan ring Aklánon na nakaiintindi at nakapagsasalita ng wika ng mga kalapit na grupo tulad ng Áti, Malaynón, at Hiligaynón.