bang·ki·kí: untrue, deceptive
bang·ki·kî: weak, poorly made
bangkikîng silya: poorly made chair
bangkikîng manok: weak gamecock
bangkikîng hayop, kalabaw, kabayo: weak animal, carabao, horse
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
bangkikí: hindi totoo
bangkikí: mapanlinlang na mga salita
Siya ay nagkakalat ng bangkiking balita.
Sa lugar ng Tayabas sa probinsya ng Quezon, ang salitang bangkikî ay nangangahulugang “mahina.” Ito rin ang tawag sa manok na mahirap manalo, gayon din ang kabayo o kalabaw na mahinang humila. Maaari rin gamitin sa mga gawang mahina ang pagkakayari kagaya ng isang silyang bangkikî.