The English word can be transliterated into Tagalog as antibayótik.
antibayótik
antibiotic
mga antibayótik
antibiotics
antibayótiks
antibiotics
KAHULUGAN SA TAGALOG
antibiyótikó: anumang gamot na nakasusugpô o nakapipigil sa pagtubò o pagdami ng bakterya
Huwag abusuhin ang paggamit ng antibiotic. Bagamat madali nitong masusugpo ang impeksiyon, maaari din nitong palakasin ang mga anak ng bakterya. Ang ibig sabihin nito ay darating ang araw kung saan ang mga anak ng bakterya ay sobrang malakas na at hindi na matatablan pa ng anumang antibayotik. Ang tawag sa seryosong problema na ito ay antibiotic resistance.
Laging humingi ng reseta para sa antibayotik mula sa isang doktor na may alam kung ano talaga ang iyong sakit.
Tandaan: ang antibiotics ay para labanan ang bakterya, at hind ang mga bayrus. Magkaiba ang bakterya at bayrus. Huwag kulitin ang doktor na bigyan kayo ng antibiotic kung ang sanhi ng inyong sakit ay bayrus.
At kung sabihin ng doktor na kailangan mong inumin ang antibayotik nang dalawang buwan, huwag itigil ang pag-inom sa sandaling mas mabuti na ang pakiramdam mo. Dapat ubusin ang gamot para mapatay ang lahat-lahat ng mga bakterya at hindi sila magkaroon ng anak. Kung may iilang bakterya man ang natitira, puwede silang magkaanak ng mga bakterya na may antibiotic resistance — at maaaring walang gamot para doon.
Huwag na huwag itapon ang antibiotics sa kubeta, kanal, o saanmang basurahan.